Gasmati Petmalu Guild Forum
Petmalu guild Onliyyyy XD
Gasmati Petmalu Guild Forum
Petmalu guild Onliyyyy XD
Gasmati Petmalu Guild Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Gasmati Petmalu Guild Forum

Washa! here we go guys.. dito tau mag eexplain ng pag ka PRO Mvp tactics, Build na sikreto jan.. or mga nag gugurlalush.. or mga gustong magyabang.. mangulangot.. mang buraot... welcome kau ditolahat, xD
 
HomeSearchLatest imagesRegisterLog in

 

 High Wizard in action for WoE

Go down 
4 posters
AuthorMessage
Reggie

Reggie


Posts : 27
Join date : 2009-12-26
Age : 35
Location : Mariejoa

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeSat Jan 09, 2010 6:41 am

Depensa
Sa WoE madalas ang High Wizards ay nakapuwesto sa likod ng traps katabi ang mga clown na may bragi's peom. Walang ibang gagawin ang mga High Wizards kundi ang magbato lamang ng Storm Gust, Meteor Storm at Heavens Drive. Mas maganda kung ang lahat ng iyan ay nasa pinakamataas na antas. Mas maganda na bago ang WoE ay magusap-usap muna lahat ng High Wizarads kung ano ang ibabato ng isa't isa. Bukod dito, ang pagbatp ng quagmire ay napapanahon lamang. Ito ay kung wala ng traps sa daraanan ng mga kalaban. Ingat lamang sa paglagay nito kung saan-saan sapagkat siga ang quagmire. Lahat ng nasa AoE nito ay mababawasan ang dex ng 25%. Ang pagbato ng Ganbantein ay sa mismo lamang ng lugar kung saan nakatayo ang Professor na nagcast nito. Kung ang mga HW ay naka Soul Link. Magcast ka minsan sa Loki's Veil ng SW kapag napansin mo na nawala ang SW nila. Take note. Minsan lamang sapagkat ang task na ito ay sa High Priest nakaatas.

Kapag may nakapasok sa unang linya ng depensa o lumagpas sa Loki's Veil, Ankle Snare at sa mga cast ng HW, bilangin ang nakapasok. Kung iisa lamang ay huwag ng umalis sa posisyon. Madami tayo sa guild. Hindi lang tayo ang malakas. (Haha. /desp)
Magtiwala kayo sa ating iba pang ka guild na nagbabantay sa Emperium. Subalit kung ang makakalagpas ay nasa bilang 4 pataas, kakalas ang isang HW na pure int o yung HW na may pinakamataas ang int para tumulong sa pagpatay sa mga nakapasok. Huwag mataranta sa ganitong sitwasyon sana. Dahil kapag lahat ng HW ay umalis sa puwesto, dire-diretso tayong mapapasok ng mga kalaban. Panic Don't! No

Opensa
Isang mahirap na trabaho ang paglusob sa Empeirum ng mga HW. Kung maaari, tayo na lamang ang sumalo ng EF ng mga champ kesa sa mga breaker pa natin nila ibato. Isa lamang ang magandang gawin ng HW habang palusob ng EMP, paunti-unting SG at MS habng naglalakad. Ahh Umm!! bounce


Kagamitan
Upper Headgear = +9 or higher Ulle's Cap or +9 or higher Circlet kapag MDEF SET with Katryn Keyron Card or Vesper Card || +? Ramen Cap || +7 or higher AoA
Middle Headgear = Slotted Sunglasses with CTM card or Isilla Card || Robo Eye
Lower Headgear = any Goldlike Wing
Hood = +7 or higher wool scarf with raydric card or noxious card
Body = +7 or higher silk robe or diablos robe or orleans uniform with pest card || pupa card || grand peco card (kapag high vit ka) || marc card (a must pang switch)
Weapon = Dex Type Survivor Rod with Drops card || Int type Survivor Rod with necromancer card || +9 LBW with necromancer card
Shield = +7 or higher orleans server or +7 valkyrie shield with thara frog card
Footgear = +7 or higher tidal shoes with green ferus card
Accesory = 2 Nimble Orlean Gloves [zerom card] or 2 Orlean Gloves og Bigmouth [Belzeebub card]

Note: Mas mabilis ang casting time ng mas maraming dex kesa sa mas mataas ang equips na may reduce casting time by ??%
Explanation:
HAlimbawa: Ang casting time ng SG is 20secs. Yan ay kapag 1 dex ka. (/gg.as if naman merong ganyan na wizard) For every 1.5 dex is 1% reduce casting time. Ang dex ng akin ay 99+27 = 126 w/o blessing. Nakaka 84% na akong reduce casting time via dex. Kukunin natin ang 84% ng 20secs at ibabawas ito sa 20secs.
(20*0.84) * 100 = 16.8secs
20secs - 16.8secs = 3.2secs
Ang casting time na lang ng SG ko ay 3.2secs. Nakacombo ako ng equip na orleans gloves at orleans server kaya may reduce casting time ako na 10%. Ang mangayayari babawasan lang ng mga reduce casting time equips or cards ay yung mga nabawasan na sa pamamagitan ng dex.
Kumbaga, 3.2 * 0.1 = 0.32
3.2 - 0.32 = 2.88
Kaya ang casting time na lamang ng SG ko ngayun ay 2.88secs. May mga nagpapaexplain sakin na HWs kaya pinost ko na din dito. Ang hirap kasi magpaliwanag lalo na kapag paulit-ulit.

Kung mahusay na kayo at tanda nyu na yung mga skills, equips at items na nasa tatlong slots ng f12 nyo, mag /bm na din kayu para mas madali magcast ng mga skills, switch equips at item usage.
Sana nakatulong ang aking kaalaman.
Kung may suhestiyon kayu ay mayroon kayong kalayaan magsalita. (Subukan n'yo lang. Haha. Joke. /desp)

Haja
Back to top Go down
Teptep

Teptep


Posts : 20
Join date : 2010-01-06
Age : 33
Location : Hanapin nyo nalang

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeMon Jan 11, 2010 12:51 am

May suggestion ako sa garment, since may Survivor's Rod na nakalagay:

+7 or higher Survivor's Manteau

BTW, maganda rin ang D. Boots and D. Manteau na combo

Yung sa body cards, Pecopeco lang po yun. Grand Peco card is for headgears What a Face

Finally, dapat ma-finalize na ng mga wiz sa guild ang gagamiting skills. Sayang kasi yung iba like Fire Pillar na parang trap and Gravity Field w/c ignores MDEF and reduces attack speed (maganda i-cast sa Emp pag may mga nakapasok na breaker)
Back to top Go down
Reggie

Reggie


Posts : 27
Join date : 2009-12-26
Age : 35
Location : Mariejoa

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeMon Jan 11, 2010 7:35 am

my bad about that. haha. thanks tep. fire pillar parang hindi gaano gamitin. pero yung gravitation field meron ako. kapag may nakapasok kasi satin. hindi natin alam kung sinu aangat para tumulong na magdef. hehe. pero magandang i-cast yun. kaso kapag nakanti ka hihinti yung casting mo. nagiging nana kasi yung wiz kapag nagcast nun. kaya bago ako magcast nun, sinisugurado kung naka devo or safety wall ako. Very Happy
Last pala tep, dapat mag-usap na tayu like ng sa post mo. hindi yung nagpapakiramdaman tayo kung anung skill ang icacast. usap tayo in-game then i-posy na lang natin dito para malaman din ng iba kug anu yung napag-planuhan natin, ./no1
Back to top Go down
lDrei

lDrei


Posts : 39
Join date : 2009-12-24
Age : 34
Location : Baguio City

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeThu Jan 14, 2010 3:02 pm

dumugo ilong ko sa math sir...iwas iwas..

i need advil sakit ulo confused
Back to top Go down
chaia

chaia


Posts : 16
Join date : 2009-12-24
Location : Bikini Bottom

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeSat Jan 16, 2010 3:48 am

WOW=wall of words o.o
Back to top Go down
Teptep

Teptep


Posts : 20
Join date : 2010-01-06
Age : 33
Location : Hanapin nyo nalang

High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitimeSat Jan 16, 2010 9:43 pm

By experience, dapat balanse ang cast time sa damage at max HP. May mga wiz kasi na fast cast nga, fast death din ang abot dahil onti ang vit.

Dahil uso ang cold resist pots at MDEF sa mga unang lumulusob sa precast ng defending guild, IMO, kelangan natin ng INT food at GOSPEL pally sa wiz line, para mas malakas ang damage.
Back to top Go down
Sponsored content





High Wizard in action for WoE Empty
PostSubject: Re: High Wizard in action for WoE   High Wizard in action for WoE Icon_minitime

Back to top Go down
 
High Wizard in action for WoE
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Gasmati Petmalu Guild Forum :: Guild Thread (Please Read) :: What You will Do on WOe *read please* :: High Wizards-
Jump to: